Wednesday, May 25, 2011

Salamin

December 09, 1988
“SUNUGIN na natin ang mansyon upang masunog na din ang mga iyan!” sigaw ni mang Julio, isa sa mga taong nasa loob ng ng mansyong pagmamay-ari ng ulilang dalagitang magkapatid na Christina at Alyanna. Ang mangkukulam na magkapatid na salarin sa pagkamatay ng mga anak na dalagita ng mga taga Daine Cavite.
            Malulutong na mga tawa ang magkasabay na binitawan ng magkapatid ng umalingawngaw sa buong mansyion.
            “Kahit sunugin ninyo pa ang buong mansyon na ito, hinding hindi ninyo masusunog ang mga kaluluwa naming magkapatid!” sigaw ni Christina, ang mas matanda sa magkapatid.
            “At sa oras na makalabas kami dito, tandaan ninyo, babalikan namnin kayong lahat. Mula sa mga sarili ninyo hanggang sa magiging apo ng mga apo ninyo. Ipapalasap namin sa inyong lahat ang init at lupit ng paghihiganti namin ng ate ko. Ipaparamdam naming sa inyo ang init ng impyerno. Tandaan ninyo iyan!!!!”
            Nanindig ang mga balahibo ni manang Rosa sa narinig mula sa mas nakababata sa magkapatid. Mas lalo siyang natatakot sa tuwing maiisip na siya ang nagkulong sa mga ito sa loob ng salamin sa pamamagitan ng mga dasal na alam niya at kapangyarihan ng isang albularya na taglay niya.
            “Sunugin na natin ang mansion! Sunugin na natin ang mga mangkukulam na iyan!” sigaw ni mang Eduardo kasabay ang pagbitiw sa hawak na tulos na nag-aapoy ang dulo. Hindi naman nagdalawang isip ang mga kasama nila sa loob na gayahin ang ginawa nitong pagbitaw sa hawak na nag-aapoy na tulos.
            Sabay-sabay na silang lumabas ng malaking mansion. Ngunit  kahit na nakalayo na sila ng ilang metro mula dito at pinagmamasdan na lamang ang pgtupok ng malaking apoy sa buong mansyon ay malinaw nilang naririnig ang malademonyong halakhak ng magkapatid mula sa loob nito.
            “Babalik kami... Babalik kami at papatayin naming kayong lahat!!!!”

PRESENT YEAR...
            “HAVE you heard it?” bulong na tanong ni Laila na umupo sa katapat  upuan ni Irish.
            Irish  closed the book and moved closer to her friend. Nasa loob kasi sila ng library kaya bawal mag-ingay.
 “The what?”
            “That Alexa Mojica wanted to join to our group.”
            “Thats’ true,” Jen also closed her own book and moved closer to her two friends. “That’s her right?” aniya na inginunguso ang isang babaeng nakaupo hindi kalayuan sa kanilang pwesto.
            It was Alexa Mojica. The campus nerd. Ang makapal na buhok nito ay laging nakapusod na parang sa matanda, lagi rin itong naksuot ng makapal na salamin at may braces ang mga ngipin na lalong nakapagpadagdag sa pagiging nerd looking nito.
            “She could be our toy,” nakangiting sabi ni Laila.
            “Yeah, to make our senior year most memorable,” ani naman ni Jen.
            Hindi naman siya agad sumagot na tila may binubuo ng plano sa isipan bago nangingiting tumingin sa mga ito. “Let’s see.”

            “HEY you! Alexa!”
            May pag-aalinlangang huminto sa paglalakad ang transferee sa Perpetual Cavite Institute na si Alexa sa paglalakad palabas ng campus. Pangalawang araw pa lang niya sa PCI ngunit tila nais na niyang muling lumipat ng ibang paaralan. Ilang pang-aasar at pangungutya na kasi ang naririnig niya dahil sa ayos ng buhok at makapal na eye glasses na suot niya. Kung meron lang na mas malapit na high school sa bagong bahay na nilipitan nila ng mga magulang  niya sa Indang Cavite dahil sa trabaho n g papa niya, doon na niya itutuloy ang huling taon niya ng sekondarya.
            “I said stop!”
            Bahagya siyang itinulak ni Laila ng hindi niya pinansin ang mga ito.
            “Laila, anu ba. Huwag mong ganyanin si Alexa,” ani Irish.
            Napako ang tingin niya kay Irish. Alam niyang ito ang leader sa tatlo.  Ang tanging estudyante sa PCI na hinahangaan niya dahil sa taglay nitong pisikal na kagandahan. Napakaganda ng hugis ng mukha nito na lalo pinaganda ng maputi at makinis na balat. Ang pinakanagustuhan niya dito ay ang natural na pagkakapntay-pantay ng mapuputing ngipin nito. Hindi kagaya ng sa kanya na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggalan ng mga braces.
            “Are you okey?” si Irish muli ang nagsalita.
            Was she worrying? Hindi siya makapaniwalang nagsasalita ng ganoon sa kanya ang muse ng buong campus. As far as she knew, namimili lang ito ng mga estudyanteng sasamahan, kakaibiganin at kakausapin. And she wanted to be one them. She wanted to be one of  Irish’s friends. Na ngayon ay hinihiling niyang magkatotoo na.
            “She’s asking you, bingi ka ba?” naiiritang  tanong ni Jen mula sa likuran niya.
            “Jen, don’t be harsh,” saway ni Irih bago muling ibinaling ang mga tingin sa kanya. “Are you okey?”
            Napakaamo talaga ng mukha nito. Pakiramdam niya sa oras na makasama siya sa grupo nito, mapapansin na din siya ng buong campus not as campus nerd but as campus beauty. “O-okey lang ako. S-sige. I’ll go ahead.”
            “Wait!” Mahigpit na hinawakan ni Irish ang braso niya.
            Kaagad ding binawi ng dalaga ang kamay ng mapatingin siya dito.
            “Do you wanna go with us? I mean,  I heard na gusto mo daw sumama sa grupo namin, so I’m giving you a chance. Wanna take it?’
            Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya sa mga  naririnig mula sa iniidolong babae. Ngunit mas nagingibabaw ang tuwa kesa pag-aalinlangan. “You will let me to join your group?”
            “That is, kung makakapasa ka sa pagsubok namin,” nakangising tugon ni Laila.
            “Pagsubok?”
            “Yeah, pagsubok.” Mula sa likuran ay pumunta na rin sa harapan niya si Jen. Nagtinginan ang tatlo kasunod ang nakakalokong mga ngiti.
            I will pass it. I have to... I will... sa isip niya.

            “WHAT are we doing here?’
            Narinig ni Irish na tanong ni Alexa. Naptingin siya saglit sa suot na relo, its almost six in the evening at nagsisimula ng lamunin ng dilim ang paligid. Ibinaling niya ang mga tingin sa luma at sunog mansyon na hindi kalayuan mula sa kinatatayuan nilang lumang gate nito.
            “This is where you will take you exam,” sagot niya na hindi inaalis ang mga tingin sa malaking mansyon. Nasa dulo ito ng Banaba Cerca, ang kasunod na barangay na Banaba Lejos, kung saan sila nakatirang magkakaklase. She heard a lot of story about the mansion from her lola. Kesyo may dalawang malaking salamin daw sa loob niyon kung saan nakakulong ang kaluluwa ng dalawang demonyong dalagitang magkapatid. At kung sino daw ang mga nangangahas na pumapasok doon ay hindi na nakalabas pa ng mansion dahil hinigop na daw ng salamin ang mga ito upang madagdagan ang kapnagyarihan ng salamin, na kailangan upang tuluyang makalabas ang magkapatid. For her, it was just a story for kids na hindi marunong makinig sa mga mgulang at ginagamit ang bahay na iyon upang maging panakot.
Ngunit simula pa lamang ng huminto ang sinasakyan nilang tricycle kanina sa may gate na iyon ay may ibang lamig na siyang nararamdaman. Kahit ang mga dahon sa mga punong nasa gilid ng kalsada ay tila nagsasaya sa pagdating nila.
Paranoid. Sa isip niya  bago humarap kay Alexa. “I left my bracelet there inside last time ng maghang-out kami dyan nina Jerry,” ang campus heartthrob ang tinutukoy niya na alam niyang pantasya ng lahat ng girl students ng PCI. Hindi nga siya nagkamali ng makita  pangingislap ng mata ni Alexa ng banggitin niya ang pangalan ng binata. Alexa got a crush with Jerry. “Binigay pa naman ni Jerry sa akin ‘yon. And I want you to get that for me. Kapag nagawa mo iyon, isasama ka na namin sa mga hang-out namin ng barkada. Besides, nasa first floor lang iyon ng mansyon. You don’t need to go upstairs”
            “P-pero...”
            “Anong pero-pero? Gusto mo ba maksama sa grupo o hindi?” mataray na tanong ni Jen.
            “Gusto,” tugon ni Alexa.
            “Oh ‘yun naman pala. Eh di gora na!” sabi  ni Laila na muli siyang bahagyang itinutulak.
            Nakita niya ang pag-aalinlangan sa mukha ni Alexa kaya hinawakan niya ang kamay nito. “Alex, kaya mo iyan. Kapag naksama ka na sa amin, hindi ka na nila tatawaging campus nerd or even weirdo. You will be on of us, one of campus beauties.”
            Muli niyang nakita ang pangingislap sa mga mata nito dahil sa mga sinabi niya. Ilang beses rin itong nagbitaw ng malalim na buntong-hninga.
            “I-i’ll go...”
            Kinontrol niya ang mga ngiting nais mamutawi sa mga labi niya at bahagyang pinisil ang kamay ni Alexa na hawak niya. “You can do it...”
            Ilang tango ang naging tugon ito bago tuluyang tumalikod at naglakad patungo sa mansyon.
            Nagtinginan silang tatlo bago inilabas ni Jen ang video camera mula sa bag.
            “Now let’s see kung gaano siya kalakas tumili sa paglabas niya diyan sa loob.”
            Sabay-sabay silang naghagikhikan bago itinuon ang mga tingin sa dalagang kapapasok lang ng mansyon.
            “Why?” tanong ni Laila.
            Bigla kasi siya napatigil  sa paghagikhik . Hindi niya alam kung bakit tila pakiramdam niya, mayroon silang ibang kasama na sumasabay sa mahinang pagtawa nila.
            Halos sabay-sabay nilang natakpan ang mga bibig upang mapigilan ang pagtili sa malakas na pagsara ng pinto ng mansyon.
            “This would be a very interesting night,” aniya na pilit na inaalis ang takot sa sarili.

            NAPAPITLAG si Alexa sa malakas na pagsara ng pinto ng mansyong pinasukan niya. Shit! You can do it Alex. You can do it!
            Napatingin siya sa paligid. Sunug na sunog aumang bahagi ng mansyon ang tingnan niya. “S-sinong nadyan?” nauutal na tanong niya ng makarinig ng mahihinang tawa sa isang bahagi ng mansyon. Itinapat niya ang ilaw ng hawak niyang cellphone sa kung saan niya narinig ang mahihinang tawa. She saw no one. Ngunit naagaw ng dalawang malaking bagay na may telang itim ang mga tingin niya. She started to feel a weird cold breeze kasabay ng paglakad niya palapit sa isa sa malaking bagay na iyon.
            “W-what’s this?” Tila may sariling isip ang mga kamay niya ng hilahin niya ang malaking tela pababa. Halos mapatili siya sa nakita. Hindi niya alam kung saan ba siya nagulat, sa malaking salamin na tumambad sa kanya o sa kakaibang repleksyon ng sarili niya mula dito. “Paranoid ka talaga, Alex. It’s just a mirror!” natawang bulong niya sa sarli na mas lalo pang inilapit ang mukha sa salamin.  She could  see herself  whole sa laki ng salamin. “It’s just a mirror Alex. A mirror.” Natatawa niyang inilawan ang sarili upang mas makita ng malinaw ang repleksyon ng sarili. Ngunit halos mabitiwan niya ang cellphone na hawak ng may makitang kakaiba mula sa salamin. There is someone behind her. A girl in a long white bloody gown na sunog na sunog ang mukha. Humarap siya sa likuran sa pag-aakalang makikita niya itong muli. But there was no one there. She started to feel real creeps. Hindi niya napapansing unti-unti na siyang napapalapit sa malaking salamin dahil sa paatras na hakbang na ginagawa.
            I should not come here.
            At bago pa man siya muling makasigaw ay may naramdaman na siyang  malamig na mga kamay mula sa likuran na humawak sa batok niya patungo sa mukha niya. Hindi niya magawang lingunin ang nilalang na iyon. Mahigpit ang pagkakahawak nito na tila nais durugin ang mukha niya.
            Akin ka na...
            Ang huling mga salitang narinig ni Alexa bago tuluyang nagdilim ang  lahat sa kanya.

“ALMOST thirty minutes na siya sa loob huh,” sabi ni Jen.
            Napatingin din si Irish sa suot na relo, Tama ito sa sinabi. Almost thirty minutes na silang walang kahit na anong naririnig na ingay mula sa loob ng mansyon.
            “Hindi kaya may nangyari ng masama do’n?” kinakabahang ani Laila.
            Hindi siya nakaimik. Paano nga kung may masamang nangyari na kay Alexa sa loob. Siguradong sila ang sisihin ng mga magulang nito kapag nagaktaon.
            “Hey she’s coming.”
            Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya muli ng kakaibang lamig ng hangin ng makita ang papalapit na si Alexa. Parang may mali sa nangyayari. Parang may mali sa papalapit na dalaga.
            “S-so, have you found it?” tanong niya.
            Bahagyang itinago ni Jen ang hawak na camera.
            Alexa smiled at her. A very sweet smile.
            “I did not look for it. I’m not interested to join in your group anymore. Anyway, have you checked you bag? I forgot kasi your wallet sa loob ng mansion,” nakangiting tugon nito ng tuluyang makalapit sa kanila.
            “W-wallet ko?” Tumalima siya sa sinabi nito and Alexa was right, wala sa bag niya ang wallet niya. “How dare you to touch-“
            “Oopppss.. Sorry, nakalimutan ko kasi bitbitin palabas. Andun pa naman ung I.D. mo at mga credit cards. Weekend pa naman tomorrow, mukhang hindi ka makakapgshopping,” nakangiting dagdag pa nito.
            “Shit you! Jen, Laila, lets go. Kukunin natin ang wallet ko.” Hindi niya kayang dumaan ang weekends ng hindi siya nanakapagshopping. Baka magkasakit siya kapag nangyari iyon. “Jen, Laila? Let’s go?” lumingon siya sa dalawang nakatayo sa likuran niya ng hindi sumasagot ang mga ito.
            “S-sorry Irish, but I can’t go inside. Natatakot talaga ako sa mansyon na ‘yan,” tugon ni Laila.
            “Even me, Irish, Hindi ko kaya. Hinhintayin ka na lang namin dito.”
            “Fuck you all!” isa-isa niyang tinapunan ng matalim na tingin ang tatlo bago tuluyang naglakad patungo sa mansyon.
            “Don’t worry, nasa first floor lang iyon. You don’t have to go upstairs.” Narinig niyang pahabol ni Alexa sa nang-aasar na tono ng boses.

LUMANGITNGIT ng malakas ang pintuan na tila napakatagal ng hindi nabubuksan ng itulak ito ni Irish.
            “Fuck you all!” inis na bulong niya bago inilawan ng hawak na maliit na flashlight ang nilalakaran. “Oh God!” halos pabulong na sigaw niya ng mailawan ang malaking salamin kung saan nakikita niya ang  malaking repleksyon ng sarili niya. Hindi niya alam kung anong dahilan ng paglapit niya dito, lalo na ang pagalapit niya sa isa pang bagay na katabi nito ng natatakpan ng itim na tela.
            “Salamin din?” takang saad niya ng tumabad sa kanya ang tinatakpan ng itim na telang hinila niya. “D-dalawang malaking salamin?” wala sa loob na bulong niya ng mapagtanto ang  dalawang malaking salamin na nasa harap niya. “It was just a story. I have to leave...”
            Ngunit bago pa man siya makatalikod mula dito ay may naramdaman na syang napakalamig na kamay n pumigil sa kamay niya sa pag-alis. Dahan-dahan niyang tiningnan ang kamay na nakakapit sa kanya. Sunug na sunog ito at ang lalo pang mas nakapahindik sa kanya ay ng mapagtantong ang nagmamay-ari ng kamay na iyon ay nagmumula sa loob ng malaking salamin. A girl in a white bloody dress at sunug-sunog ang balat.
            Sa wakas…
            Ang kahuli-hulihang salitang narinig niya bago tuluyang nagdilim ang lahat sa kanya.

“NATATAKOT na talaga ako, bakit ang tagal niya?” takot na takot na wika ni Jen sa katabing si Laila.
            Wala pa namang tatlumpung minuto ang nakakalipas buihat ng umalis si Irish ngunit tila napakatagal na nila itong hinihintay.
            “Parang…. Parang may mali,” bulong ni Laila.
            “W-what do you mean, Lai?”
            “Parang may mali sa kanya,” tugon nito na mas hininaan pa ang boses habang nakatuon ang mga tingin kay Alexa na nakatayo hindi kalayuan sa kanila. “Kanina pa siya nakangiti. Parang excited na excited siyang makita ang paglabas ni Irish mula sa mansyon.”
            Naramdaman niya ang biglaang pagtaas ng mga balahibo niya sa batok. “Stop it, Lai. Tinatakot mo na talaga ako ng sobra. T-teka. Si Irish na iyon di ba.”
            “Irish!” Sabay nilang sinalubong ang dalagang nakangiting papalapit sa kanila  na tila walang anuman ang nangyari. “What happened?” tanong niya.
            “Ha? Nothing. Ano ba kayo? Okey lang ba kayo?”
            “A-are you sure?” si Laila ang nagtanong.
            “Yeah, I already got my wallet,” nakangiti pa ring tugon nito. “So, let’s go home?”
            “S-sure…”
            Nagpauna nglumakad si Irish na maluwag ang pagkakangiting lumapit sa kintatayuan ni Alexa.
            “Let’s go home?” yaya nito sa dalagang nilapitan.
            Hindi alam ni Jen kung bakit nakaramdam siya ng kilabot sa mga ngiting namutawi sa mga labi ni Alexa. Her smile was like a devil.
            “Let’s go,” anito bago muling lumuwag ang pagkakangiti sa mga labi. “Ate, umuwi na tayo.”
            Nagkatinginan silang dalawa sa huling salitang narinig mula kay Alexa. Bago muling ibinalik ang mga tingin sa magkahawak kamay na sina Alexa at Irish na nagsimula ng maglakad.
            “A-ate?”



Friday, April 29, 2011

Piso


            “Sa wakas, dalawang linggo na lang graduation na!” Rizmar Labios exclaimed. Katatapos lang ng final exam nila sa exam nila sa Perpetual Cavite Institue. At halos dalawang lingo na lang ay graduation nila.
            “Oo pare! Isang hakbang na lang makakaalis na talaga tayo sa pigging mga totoy. Magiging mga college students na tayo. At pagkatapos nun, magiging engineer ka na, ako naman piloto. Ang saya nu’n pare!” tugon naman ni Archie Vergara.
            “Konti na lang matutupad na natin ang mga pangarap natin, pre,” aniya. Sa may fountain sila ng indang plaza dumiretso gamit ang motor ni Archie pagkalabas nila ng campus. Bumaba na siya mula sa motor at naglakad patungo sa fountain upang maghilamos.
            “Oo nga pala pare, pumayag na si Bunny na makipagdate sa akin.”
            Napatigil si Rizmar sa paghihilamos sa malinis na tubig dahl sa narinig. Hindi niya alam kung haharap ba siya sa  binata o mananatili na lang na nakatalikod mula dito upang itago ang reaksyon ng mukha niya. Archie was talking about Bianca “Bunny” Manzano, the girl-next-door ng campus  nila. She got the perfect shape of body and the perfect combination of eyes and lips. Her nose is not even a typical nose of a Filipina. In short, for Rizmar, Bunny is an example of a perfect woman creature.
            “Oh pare, tara na.” Boses ni Archie na nagpabalik sa gunita ni Rizmar sa kasalukuyan.
            “S-saan?” parang gulat na tanong niya dito bago tinuyo ng panyo ang basang mukha at humarap sa binata.
            “Ha? Uuwi, ‘di ba sasabay ka sa akin?” natatawang tugon nito habang muling isinusuot ang hinubad na helmet.
            Pumayag na si Bunny na makipagdate sa akin. Parang nag-echo sa isipan niya ang sinabing iyon ni Archie kanina.
            “Hindi na. Dadaan pa pala ako ng Mercury, bibili ako ng vitamin C, nagiging sipunin kasi ako lately. Dadaanan mo pa si Abet sa tindahan ninyo ‘di ba?”  Ang nakababatang kapatid nito ang tinutukoy nya.
            “Sigurado ka ba, pare?” muling tanong nito bago binuhay ang makina ng motorsiklo.
            Nakangiti naman siyang tumango bilang tugon ditto.
            “Okey, para doon na rin ako sa shortcut na daang ilog dadaan. Ayaw mo kasing dumadaan doon kaya hindi ako nakakapagshort cut   kapag kasama kita,” natatawang sabi ni Archie. “Sige pare.”
            Hindi niya alam kung bakit tila nag-slow motion ang lahat sa paningin niya. Mula sa pagpapaalam ng binata hanggang sa pagpapaandar nito ng motorsiklo palayo mula sa kinatatayuan niya.
            “Weird...” Nakakunot noong bulong niya ng tuluyan na itong mawala sa paningin niya. “Itutuloy pala niya talaga ang panliligaw kay Bunny,” wala sa loob na bulong niya bago naglakad patungong  Mercury Drugstore.

            Huwag kang bibitiw bigla. Huwag kang bibitiw bigla... Higpitan lang ang iyong kapit. Maglalakd patungong langit..
            Ang kanta ng Spongecola na “Bitiw” na ringtone ni Rizmar sa cellphone ang gumising sa kanya. Napatingin siya sa relong suot, ala sais pa lang ng gabi. Nakatulog pala siya pagkauwi niya ng bahay galing drugstore kanina.
            “Bunny?” taking saad niya ng i-check kung sino ang caller na gumising sa kanya.
            “H-hello, Rizmar?” bakas sa boses ni Bunny ang pag-iyak.
            “Bunny? Bakit? Umiiyak ka ba?”
            “Rizmar... Si Archie, wala na siya...”
            Nagsimula ng kumabog ng malaks ang dibdib niya.  “W-what do you mean?”
            “Naaksidente siya sa daang ilog kaninang papunta siya kina Abet. It was horrible Rizmar! Hindi na siya umabot sa ospital. Wala na si Archie. Wala na siya, Rizmar...”
            Pakiramdam niya namanhid ang buong katawan niya. Wala na siyang ibang maramdaman kundi panlalamig. Panlalamig sa buong katawan niya.

Pumayag na si Bunny makipagdate sa akin.
Parang naririnig pa rin ni Rizmar ang boses ni Archie sa isipan niya. Kagagaling lang niya sa bahay ni Archie, kung saan napatunayan niynag totoo ang lahat ng sinabi ni Bunny kagabi ng makita niya ang binata na nakahiga sa kulay ginto nitong kbaong.  Hindi na siya gaanong nagtagal doon upang mabawasan ang sakit na nararamdaman niya kaya dumiretso na siya  ng Indang Plaza.
            Iginala niya ang mga tingin sa paligid. Hindi pa rin siya makapaniwalang wala na si Archie. Parang kahapon lang, ksama niya  ito sa lugar na iyon.
            Sige pare.
            Parang hanging naglaho ang pigura ni Archie na nakasakay sa motor sa paningin niya. Si Archie ng huli itong magpaalam sa kanya kahapon.
             Isang baryang gumulong patungo sa kinatatayuan niya ang umagaw ng pansin niya. “Piso?” Wala sa loob na pinulot niya ang barya na sa mismong paanan niya huminto sa paggulong at tumaob.
            “”Pumayag na si Bunny na makipag-date sa akin.”
            Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ang nagsalita kasunod ang pagkusot sa mga ito.
“A-archie?” Tiningnan niya ang mga kamay. The one peso coin gone.
            “Tara na,” anitong tila natatawa sa inaasal niya.
            “S-saan?” Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Nanaginip lang ba siya o panaginip lang ang lahat ng nangyari kahapon.
            “Uuwi na, ano ka ba? Sasabay ka ba sa akin? Dadaan pa ako ng tindahan eh.”
            Naaksidente siya sa daang ilog kanina ng papunta siya kay Abet.
            “O-oo, pare. Sasabay ako, pero hindi tayo sa daang ilog dadaan.”
            Lalo itong natawa sa isinagot niya. “Kailan ba kita napapayag na dun dumaan?”

“Hanggang dito ka lang?” takang tanong ni Archie.
            Sa may tindahan na ng binata bumaba si Rizmar kung saan naghihintay si Abet.
            “Oo, may nakalimutan ako bilhin sa drugtore, magtatricycle na lang ako pabalik.” Ligtas na si Archie, iyon ang nasa isip niya. Kaya hindi na niya ito kailngang samahan.
            “Ihahatid na lang kita doon ulit.,” Archie insisted.
            “No, hindi na. Kailangan ninyo na ring iuwi ang mga iyan,” turo niya sa mga bitbit na bayong ni Abet.
            “Oh sige, sige. Ingat ka pare,” anito ng makasakay na si Abet sa motorsiklo.
            “Oo pare. Ikaw din.”  Hinintay niyang mawala sa paningin ang dalawa bago napabuntong hininga. “It was all just a dream....”

Huwag kang bibitiw bigla. Huwag kang bibitiw bigla... Higpitan lang ang iyong kapit. Maglalakad patungong langit..
            Napabalikwas mula sa pagkakahiga si Rizmar ng marinig ang ringtone ng cellphone niya. Nagsimula ng bumilis at lumakas ang kabog ng dibdib niya ng makitang pangalan ni Bunny ang caller na nag-aappear sa cellphone niya.
            “H-hello, Bunny?”
            “R-rizmar.... Si Archie... Wala na siya... Naaksidente sila ni Abet kanina sa daang ilog pauwi. Wala na siya, Rizmar.... Wala na si Archie...” iyak ni Bunny mula sa kabilang linya.
            Sa pangalawang pagkakaton naramdaman niya ang pamamanhid ng buong katawan kasunod ang panlalamig ng mga ito. “It couldn’t be...”

“It was all just a dream,” bulong ni Rizmar habang igingala ang paningin sa buong paligid ng Indang Plaza. Kagagaling lang niya sa bahay ni Archie kung saan nakita niya ito at si Abet na nakahiga sa mga sariling kabaong. “I’m sorry pare, I thought I could save you.
            “P-piso?” Tila nahipnotismo siyang pulutin ang piso gumulong at tumaob sa mismong paanan niya.
            “Pumayag na si Bunny makipag-date sa akin.”
            Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya si Archie.
            “Oh pare, bakit parang nakakita ka ng multo. Tara na.”
            Walang sali-salitang sumakay siya ng motor nito at nagsuot ng helmet.
            “Okey ka lang ba? Ang weird mo,” natatawang sabi nito bago binuhay ang makina ng motorsiklo at mabilis na pinatakbo.

“SALAMAT pare,ha.”
            “S-saan?” takang tanong ni Rizmar. Nasa harapan na sila ng bahay ni Archie at nauna ng pumasok ang kapatid nito sa loob.
            “Sa pagsama sa amin hanggang ditto. Gusto mo ba ihatid na lang kita sa plaza?”
            Napabuntong hininga siya ng marinig ang sinabi nito. Akala niya, aware na si Archie sa nangyayari sa kanya. Sa kanila. “Hindi na pare, sige. Uuwi na ako, huh,” aniya habang iniaabot ang hawak na mga bayong.
            “Sige pare, ingat.”
            Napangiti  siya sa sinabi nito. “Ikaw din.”

Huwag kang bibitiw bigla. Huwag kang bibitiw bigla... Higpitan lang ang iyong kapit. Maglalakd patungong langit..
            Hindi pa man niya nahahawakan ang cellphone niya na nagriring ay nagsimula ng kumabog ng malakas at mabilis ang dibdib niya. Tumingin siya sa orasan, its almost seven in the evening.
            “H-hello?”
            “R-rizmar? Tumawag sa akin si tita Lucy at Leila.” Ang ate at mommy ni Archie ang tinutukoy nito. “W-wala na si Archie... M-may umakyat na magnanakaw sa.. Sa bahay nila. Nanlaban si Abet, si Archie... Pati ang daddy nila. Pinatay sila ng magnanakw na ‘yon, Rizmar. Wala na si Archie...Pinatay siya ng magnanakaw na iyon.”           
            Hindi na niya narinig pa ang mga sumunod na sinabi ng dalaga dahil nabitwan na niya ang hawak na cellphone. Nagsuot siya ng pang itaas na damit at pantalon at mabilis na lumabas ng bahay upang sumakay sa bisikleta. Tatlo na sila. Hindi pwedeng maging ganoon. May mali. Dapat sinigurado na niya ang lahat para wala ng namatay.
            “Nasaan na? Nasaan ka na???” halos pasigaw na bulong niya sa sarili.
            Nagbisikleta lang siya mula sa bahay nila hanggang sa Indang Plaza upang hanapin ang pisong palaging gumugulong palapit sa kanya. Naiiyak na siyang napaupo sa may gilid ng fountain ng hindi makita ang hinahanap. Lumiliwanag na ang paligid dahil sa papasikat na araw. Tulyan na siyang napatayo ng mapansin na ang pisong gumugulong papalapit sa kanya. Hindi na siya nagdalawang isip na pulutin iyon.
            “Pumayag na nga pala makipag date sa akin ni Bunny.”
            Napatingin siya kay Archie.
            “Tara na.”
            Walang sabi-sabing tumalima siya dito. “S-sige pare. Tara na.”

            “Sige, pare. Ingat,” paalam ni Archie.
            “S-sige,” aniya bago tumalikod upang maglakad na palabas ng bakuran nina Archie.
 Ngunit hindi talaga siya lumayo sa bahay. Nagkubli siya sa mga halamanan ng katapat na bahay ng mga ito at doon matyagang naghintay ng mga mangyayari. Halos dalawang oras na ang nakakalipas ng may mapansin siyang lalaking may malaking bag ang umaali-aligid sa bahay nina Archie.
            “Pulis! Pulis! May magnanakaw!” Sigaw niya mula sa pinagkukublihang halamanan.
            Nakita niya ang pagkaripas ng takbo ng lalaking nasa harapan ng bahay nina Archie kasunod niyo ay ang pagbukas ng mga ilaw ng bahay ng pinagkukublihan niyang halamanan. Hindi na rin siya nagsayang ng oras at nagmadali ng lisanin ang lugar na iyon.

Alas tres na ng madaling araw, hindi pa rin siya makatulog. Kanina pa niya tintitigan ang cellphone na nasa harapan niya na tila hinihintay niyang mag-ring.
            Huwag kang bibitiw bigla. Huwag kang bibitiw bigla... Higpitan lang ang iyonh kapit –
            Hindi na niya pinatapos pa ang kanta na ringtone niya at agad niyang sinagot ang tawag sa kabila ng panginginig ng mga kamay.
            “H-hello Bunny?” aniya kahit hindi pa niya chin-eck ang pangalan ng caller.
            “R-rizmar... Wala na si A-archie... N-nasunog ang bahay n-nila.... W-wlang nakaligtas sa kanila kahit... Kahit isa....”
            “L-lahat sila?” hindi mkapaniwala niyang tanong. Nramadaman niya ang mas matinding panginginig ng mga kamay niya kasunod ang tuluyan ng pagbitaw sa hawak na cellphone. May mali. May mali sa nangyayari. Sa ginagawa niya.
           
            “Pumayag na nga pala si Bunny na makipagdate sa akin.”
            Hindi na natulog si Rizmar buhat ng makausap si Bunny sa cellphone  kaninang madaling araw. Sa Indang Plaza na rin siya dumiretso at hindi na dumaan ng bahay nina Archie. At kagaya ng inaasahan niya muling gumulong ang piso palapit sa kanya. At sa pangatlong pagkakataon, hindi na siya nagdalawang isip na pulutin ang piso.
            “Pare, may itatanong ako,” aniya.
            “Oh ano ‘yon. At parang napakaseryoso mo dyan?” natatawang tanong nito na hindi na itinuloy ang pagsusuot ng helmet.
            “P-paano kung mamatay ka na. And then I was given a chance na iligtas ka from death, but the more that I was trying to help you, the more na nadadamay at namamatay. Would you still want me to help you carry out from death? Would you still want me to keep you alive kahit may namamatay at nadadamay na iba?”
            “Seriously,” nakangiti itong tumingin sa kanya. “No. Kung ganoon lang din pala, it’s better if I will die alone. Wala kahit na sinoman ang nadadamay o madadamay.”
            He couldn’t find words as his reponse.
            “Oh paano, tara na?”
            “H-hindi na.. May dadaanan pa kasi ako...”
            “Okey. Sige. Ingat ka pare.” Muli na nitong isinuot ang hlemt at binuhay ang makina ng motorsiklo kasunod ang mabilis na pagpapaandar dito palayo sa kanya.

Iginala ni Rizmar ang paningin sa buong town plaza bago umupo sa gilid ng fountain. Kagagaling lang niya sa bahay nina Archie kung saan nakita niya ang binatang nakahiga sa kulay ginto nitong kabaong. Ilang sag;it pa bago niya napansin ang isang baryang gumugulong palapit sa kanya at tuluyang bumagsak sa may paanan niya. Matama niya iyong tnitigan ngunit hindi na kumilos mula sa pagkakaupo.
            “I’m sorry, Archie,” aniya bago walang lingong likod na nilisan ang lugar.


“MAY problema ka ba?” takang tanong ni Rizmar kay Bunny.
            Isang taon buhat ng mawala si Archie ay sinimulan niya ang panliligaw sa dalaga. At pagkatapos ng apat na buwan na panunuyo ay hindi siya nabigong mapasagot ito.
            “I just wanna ask something,” seryosong tugon ni Bunny na hindi man lang tumitingin sa mga mata niya.
            “Ano ‘yon?” Natatawang tanong niya kasunod ang pag-upo sa isa sa mga upuan ng waiting shed sa may Indang Plaza. Katatapos lang nila manood ng sine at napagkasunduang tumambay saglit doon upang kumain ng ice ceam.
            ““P-paano kung mamatay ka na. And then I was given a chance na iligtas ka from death, but the more that I was trying to help you, the more na nadadamay at namamatay. Would you still want me to help you carry out from death?”
            Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Hindi pwede mangyari iyon. Iyong iyon ang tinanong niya kay Archie almost a year ago. After he tried to save his life from death. From a lot of times.
            “R-rizmar? W-would you still want me to keep you alive kahit may namamatay at nadadamy na iba?”