Tuesday, January 25, 2011

I love you Wehh.. Hindi nga? Seryoso? Talaga lang huh...



 I cant understand,

bakit parang ang dali-daling sabihin ng iba na

"I Love You"

kahit hindi naman niya mahal 'yung tao?



 Bakit parang ang dali-dali para sa kanya na sabihing

"Mahal kita. Ikaw lang, wala ng iba."


Kahit ang totoo,


may iba naman talaga.


Bakit ang dali-dali para sa kanya na magbitaw ng

pangako,


"Ikaw  lang at ako hanggang sa huli at sa habambuhay."



Kahit hindi naman niya ito kayang tuparin...

Hay... Bakit kasi kailangan mo pang maramdaman 'yung salitang


"Pagmamahal"

kung sa bandang huli

Masasaktan ka lang din?

Pwede bang mahalin mo ako kapag sinabi mong

I love you....

Pwede bang ako lang talaga kapag sinabi mong

Mahal kita.. Ikaw lang, wala ng iba...


Pwede bang kahit kailan, hindi ka na mawala sa akin kapag nangako kang



Ikaw at ako lang hanggang sa huli... At sa habambuhay...

Pwede bang hindi na ako masaktan kapag...


kapag....


Kapag minahal na kita .....




Sunday, January 23, 2011

Love Can Hurt So Much ... Why Bother To Love?

       Love has never been defined and never will be. 

We read novels about love without limitations, see movies 

about it on the big screen or TV, and that we can live 

happily ever after, but  not in real life.  In the matter of fact, our expectations are sometimes too high and the 

poor mate we choose can't humanly live up to what our expectations are. 

        

         The word "grow up" is the key to this problem. All  couples have disagreements, lose their temper most of the time, feel like they want to quit in the relationship and move on. 

       When we are young, love can be so magical or hurt to the very core of a person's being and they 

feel like their life is over. It is because of inexperience. Every heartbreak or every slight from another 

person you love helps you to become  stronger and is a learning path as  to what you really do want in 

a lifelong partner. It 'preps' you for that one true love that I can promise you will meet in the future. 

It's a tough road sometimes, and we all have our disappointments and lost loves, but manage to live 

and forge on. When you truly find love, you never lose it. You will  realize the guys or girls you 

'thought' you loved wasn't really the one that you waited for so long.




Tuesday, January 18, 2011

Kaibigan

                Isang initiation ang ginawa ng Pinagpalang Sining Society para sa pagkilala sa mga bagong miyembro ng organisasyon. Ayon sa mga datihan ng miyembro o ang tinatawag na company member, may isang dating miyembro daw ang organisasyon na kung tawagin nila ay Kaibigan. Isang lalaking mataba, mabaho at may malaking bukol sa likuran. Ito ang ginamit nilang karakter upang matakot ang mga bagong miyembro. Ngunit pagkatapos ng gabing ‘yon, nag-umpisa ang malagim na pangayayari sa buhay ng bawat miyembro ng organisasyon. Ang isa-isang pagkamatay ng mga ito ngunit sa paraang may maliwanag na eksplenasyon.
 Isang lihim ng nakaraan ang unti-uting mauungkat. Lihim na maaaring may koneksyon sa pagpatay na ginagawa ni Kaibigan. 
        Ngunit sino nga ba siya? Sino nga ba si Kaibigan? Is there really such thing as Kaibigan? O sadyang kathang isip lamang ang lahat ng tungkol sa kanya? At mayroong talagang isang tao, na nasa likod ng lahat ng malagim na nangyayari…

Ikaw? Gusto mo ba akong maging
          Kaibigan?

Friday, January 7, 2011

Destiny


                                                 

Naniniwala ka ba sa destiny? ‘Yun bang kung talagang kayo daw ang para sa isa’t isa, kayo at kayo pa rin hanggang sa huli. Kahit ano’ng mangyari… At wala kayong iba’ng dapat gawin kundi ang maghintay na destiny ang gumawa ng paraan upang maging kayo pa rin ang magkasama hanggang sa huli.
            Ako? Naniwala talaga ako sa maling pananaw ng destiny. Bakit mali? Dahil nalaman kong nagkamali ako. Siguro kung hindi.. Kung hindi ako naniwala at umasa sa maling pananaw na ito, masaya sana ako ngayon. Masaya sana kaming dalawa ngayon… Dahil sana, ako ang kasama nya ngayon… Sana… Ako ang pinakasalan nya…


            Huling taon ko na noon sa kolehiyo sa kursong Mass Communication, at sa tingin ko, mga huling sandali ko na rin syang makikita. Si Abby… Kaklase ko sya mula pa noong unang taon ko sa kolehiyo. Isang matangkad, morena at simpleng babae. Unang kita ko pa lang sa kanya, nasabi ko sa sarili ko na ang babaeng kagaya nya ang nais ko’ng makasama sa habambuhay, naalala ko pa, minsan lang ako nabigyan ng pagkakataong mapalapit sa kanya, sa isang dance sport competition pa ‘yon. Kung saan sya ang kapareha ko. Isang malaking kahihiyan para sa ‘kin (at alam kong para rin sa kanya) ang pagsali naming doon. Kung bakit naman kasi nagpapilit pa ako’ng sumali bilang kapareha nya.At mula nga noon, hindi na ako naglakas ng loob na lapitan o kausapin man lang sya ng kahit na ano’ng hindi tungkol sa klase namin. Nasabi ko pa nga rin noon sa sarili ko na, kung sadyang kami ang para sa isa’t isa, pagtatagpuin at paglalapitin din kami ng destiny sa tamang panahon. Hanggang sa tila dumating na nga ang araw na iyon.. Isang hapon, nagulat ako ng sabihin ng isa sa mga prof namin na kailangan naming maiwan ni Abby sa room pagkatapos ng klase nya sa amin. Kinabahan talaga ako no’n, at sobrang napaisip. ‘Yun pala, kami ni Abby ang inassign nya para maging emcee sa isa sa mga programa sa darating na Intramural sa aming University. At habang pinapaliwanag sa amin ang lahat ng detalye,hindi ko magawang tumingin o ni sumulyap man lang sa kanya. Hanggang sa matapos na nga ang lahat ng eksplanasyon at pinahintulutan na kaming umuwi. Nauna sya’ng lumabas sa akin, at ilang hakbang lang ang layo nya mula sa kinatatayuan ko. Ilang sandaling katahimikan pa. Hindi ko alam kung saan bahagi ng sarili ko nanggaling ang boses na lumabas mula sa mga labi ko.
Abby!”
Tumigil sya sa paglalakad at ilang saglit pa, bago sya lumingon sa kinatatayuan ko na may matamis na ngiti sa mga labi na tila kaytagal nya’ng itinago.
Akala ko, hindi mo na talaga ako kakausapin,” ang sabi nya. 
Kaagad akong lumapit at sumabay sa kanyang paglalakad. At doon… Hay… At  doon muling nagsimula ang lahat. Ang lahat-lahat. Lahat ng mga ngiti… Bonding… Tawanan.. At lahat ng mga bagay na lalo pang nagpalapit sa aming dalawa. Kahit hanggang sa natapos na ang Intrams.Walang naiba o nabago… Pakiramdam ko nga, sa tuwing magkasama kami, wala ng bukas na darating pa. Kaya sa bawat oras, minuto o kahit segundo, lahat ginawa ko mapangiti lang sya. Ewan ko ba kung bakit kahit minsan, hindi ko man lang nagawang ipagtapat sa kanya ang nararamdamn ko. Isa lang ang naisip ko’ng dahilan… May tamang panahon naman para ‘dun. Andyan naman lagi ang destiny.  Pero hindi nga nagtagal, naging iba ito sa pakiramdam.Na para bang kailangan may masabihan na ‘ko nito.  Si Anthony. Tama! Sa kanya ko sinabi ang lahat. Ang lahat lahat ng tungkol sa nararamdaman ko para kay Abby mula pa ng umpisa. Pero, nagkamali ako. Siguro nga, mas mabuti sana kung hindi ko na lang iyon ginawa.
“Kay Abby?! Pare, ikakasal na sya after ng graduation mismo natin! Hindi mo ba alam, matagal na sya’ng engage?” Ito ang mga salitang tila nagpabagsak sa buong pakatao ko. Paano ko ‘yun malalaman, mahigit tatlong taon ko syang pinilit na layuan… At sa mga oras na magksama kami, hindi sya nagbanggit ng kahit na anong tungkol sa kasal na’yon. Sabagay, ano nga ba naman nya ‘ko para sabihan ng mga bagay na tungkol sa personal nyang buhay? Ngunit ng mga oras na iyon, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Nakakahiya mang aminin, subalit nais na talagang mangilid ng aking mga luha mula sa aking mga mata noon.  At kinabukasan, hindi ko alam kung nagkataon lang ang ba ang isinagot nyang pag-iwas sa mga pag-iwas na ginawa ko sa kanya.  Hindi ko na sinubukan pang tanungin o lapitan man lang sya. Dahil natatakot ako. Natatakot ako sa dahilang hindi ko alam kung bakit. Wala na akong ibang ginawa kundi ang mag-aral. Maging abala sa maraming gawain. At gawin ang lahat ng bagay huwag lamang mabigyan ng espasyo ang isipan ko para maisip sya. Hanggang sa maipasa ko ang lahat ng exams ko, maapprove  ang thesis na paulit-ulit naming ginawa nina Anthony. Graduation na. Sa wakas…  Katatapos lang ng seremonya, sinabi ko sa mga magulang ko na mauna na silang umuwi. Susunod na rin ako dahil may dadaanan pa ako’ng isang kaibigan. Pero ang totoo, gusto ko lang mag-isa… Kahit sandali lang…At bago man lang matapos ang gabing iyon. Naglalakad na nga ako’ng mag-isa patawid ng oval na pinaliwanag ng napakaraming ilaw, balak ko na rin sanang umuwi. Ng may isa’ng pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko. Hindi ko na kailangan pa’ng lumingon, dahil kaagad nya ako’ng nilapitan. Tama ako, it’s Abby. Kailangan nya daw ako’ng makausap. Hindi ko na alam ang mga sumunod nyang sinabi at nangyari. Nakita ko na lamang ang sarili ko na nakaupo sa bleachers, katabi si Abby at nakikinig sa kanya. Kinuwento nya ang lahat. Ang lahat-lahat… Mula pa lang daw sa dance sport competition, nagustuhan na nya ako. Pinilit nya daw itago ‘yon lalo na ng umiwas ako. Kaya nga, natuwa daw talaga sya ng malamang kaming dalawa ang magiging emcee noong intrams.
“Bakit hindi mo sinabi ang tungkol sa…,” hindi ko na itinuloy pa, at nanatiling nakapako sa lupa ang mga tingin ko.
“Mahal kita…” Ang mga salitang naging dahilan upang tingnan ko sya sa mga matang nanlalabo na dahil sa mga luha.
“Pero, ikakasal ka na. Abby…  Siguro … Siguro nga hindi talaga tayo ang para sa isa’t isa…” Ewan ko, kung bakit iyon ang mga salitang lumabas mula sa mga labi ko.  Pero hindi talaga iyon ang nais kong sabihin. Hindi iyon… Isa’ng malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya.
“Nagkamali ako… Akala ko…” Hindi na nya itinuloy pa at tumingin     sa langit, ilang saglit pa bago nya iniabot sa akin ang isa’ng sobre. “Sana makarating ka bukas… Umaasa pa rin ako.”  
Iniimbitahan nya na ako ngayon sa kasal nya, nakakatawa,’ naisip ko.Tumayo na sya at naglakad palayo. Unti- unti na syang nilamon ng dilim. Naiwan na kong nag-iisa. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin… Maramdaman… Pero gusto ko syang habulin… Gusto ko syang yakapin… Gusto kong isigaw na mahal ko sya… Mahal na mahal… Ngunit, para saan pa? Ikakasal na sya bukas… At wala na kong magagawa pa. Andyan naman ang destiny. Kung sadyang kami ang para sa isa’t isa, gagawa at gagawa ito ng paraan upang matigil ang kasal at maging kami sa huli… Destiny lang sang may kakayahang muli kaming pagtagpuin…Upang magkasama… At upang magmahalan…

            Alas-diyes na ng umaga, nakaupo ako sa lilim ng isa sa mga waiting shed sa may fountain sa may plaza ng Indang at hindi kalayuan sa simbahan. Naririnig ko na ang tunog ng kampana na tanda ng pagsisimula ng misa para sa kasal ni Abby. Hanggang sa mga oras na iyon, hawak ko pa rin ang sobre ng invitation card na ibinigay nya kagabi.  Kagabi pa ‘ko walang tulog at walang ibang ginawa kundi ang titigan ito. Hay… Wala na rin naman akong magagawa… Kaya’t binukasan ko na ang sobre. Malaman ko man lang ang pangalan ng maswerteng lalaking pakakasalan nya. Pero iba ang laman nito, hindi ang inaasahan kong card ang laman nito. Isa’ng sulat… Kasabay ng pagbuklat ko sa sulat ay ang pagkatal ng mga kamay ko…

  Mhyco,

Patawad… Hindi ko ginustong maglihim sa ‘yo… Hindi ko ginustong itago ang lahat… Ang ginusto ko lang ay ang makasama ka ng walang ibang kahit na anong iniisip.
`Mike… Minahal kita mula pa noong unang araw na nakilala kita. At kahit hanggang ngayon, mahal pa rin kita. Pinilit ko’ng kalimutan ang lahat ng nararamdaman ko sa ‘yo sa pamamagitan ng pag-iwas. Pero hindi ko rin nagawa. Kaya ang sabi ko sa sarili ko, oras na sabihin mo sa ‘kin na mahal mo ‘ko, hindi ko na itutuloy ‘to. Hindi ko na itutuloy pa ang  kasunduan ng aking mga magulang sa pamilya ni Angelo, ten years ago. Hindi na ‘ko magpapakasal. Dahil pipiliin kita…
Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako. Dahil alam kong darating ka. Dahil… Dahil mahal mo rin ako… Nararamdaman ko… At sana nga, tama ako…
Sana, mahal mo rin ako

        Abby
Tila nagkaroon ng sariling mga isip ang aking mga paa ng tumayo ako mula sa kinauupuan ko at mabilis na tinungo ang simabahan. Hindi ako iniimbitahan ni Abby para manood sa kasal nya. Kundi para kunin sya… Ako… Ako ang mahal nya…At tama sya.. Mahal ko sya…Sya ang kailangan ko… S’ya ang inilaan ng tadhana para sa akin… S’ya lang… Si Abby lang…
            Ingay ng palakapakan at tawanan ng mga tao ang nagpatigil sa ‘kin sa may pinto pa lamang ng simbahan. Hindi ko na kailngan pa’ng pumasok. Alam ko’ng huli na ‘ko… Wala na… Wala na sya… Kahit kailan, hindi na sya pwedeng maging akin pa… Hindi na talaga pwede... Kahit kailan…
            Kasabay ng paghakbang ko palayo ng simbahan ay ang paglandas ng mga luha sa aking pisngi…


Nagkamali ako… Akala ko, kung sadyang kami ang para sa isa’t isa… Kahit ano’ng mangyari, gagawin lahat ng destiny para magkalapit kami sa tamang panahon… Upang magkasama… Upang magmahalan…
            Dapat, hindi ko iniasa ang lahat sa destiny. Nagkamali ako ng pananaw dito… Dapat, nung una pa lang, kumilos na ‘ko. Dapat, hindi lang ako naghintay. Sana ngayon, masaya ako. Sana ngayon, magkasama kami… Sana ngayon, hindi ako nasaktan…
            Dahil minahal nya ‘ko… Mahal nya ‘ko… At mas mamahalin pa nya sana ako…


                                                                                               

Thursday, January 6, 2011

At last!!!

Whoa... At last! I made it... It took me so long to make something like this. I know, it is really not good. Not yet. haha... Well, let's see... Ngayon pa na may internet na kami sa bahay... hahaha May gano'n?!? Sana nga maenjoy ko ito.. Again.. Let's see... hahaha =)